Uhmmm. .. hello Daniel ! *kaway kaway*
Ano.... dati hater mo ako! Tama. Isa ako sa mga taong ayaw sayo dati pero nang mapakinggan kong kumanta ka, naku, naging automatic isa sa mga ultimate fan mo ako!
Gusto ko talaga si Kathryn Bernardo para sa'yo. Gusto ko sa kanya ka lang mapunta haha. Kasi iba ang chemistry niyo tapos alam naming sincere ka. Kathniel till the end. Dadalo pa ako sa future wedding niyo hehe.
Ang bait bait mo sa fans mo and we're very lucky na pinapahalagahan mo kami. Naaawa na nga ako sayo kasi you would do everything to make us happy kahit na pagod ka na, kahit na hindi mo na kaya. Kaya sana favor lang na wag ka magpagod >__< Susugod talaga ako kahit saang ospital ka nila dalhin pag nangyari ulit yun.
Wag kang mag-alala sa mga haters mo, naambush ko na sila mwahaha.Joke. Hindi lang namin hinahayaan na lait-laitin ka nila kaya sorry kapag nasasabihan din namin sila ng masasama.
Sana balang araw, makita kita sa personal. Sana makausap kita, mayakap, makahingi man lang ng fansign or video greeting mula sayo. Hopefully, sana maging friend din kita :")
P.S. Naiinggit ako kay ate Kath! XD